POEM | Biktima

SHARE

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin
Share on pinterest
Share on tumblr
Share on stumbleupon
Share on email

Nanginginig ang tuhod,
At ‘di makagalaw sa kinatatayuan.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso,
Na para bang sasabog na.

Sa bawat salitang iyong winika,
Unti-unting tumagaktak ang aking luha.
Ayoko nang marinig pa ang katagang—
Paulit-ulit na dumudurog sa aking puso’t pagkatao.

Hindi kailanman man nakakatuwa,
Ang iyong mga pinaggagawa.
Hanggang kalian ko kaya titiisin?
Ang pananakit mo sa’king damdamin.

Tama na!
Sumusobra ka na!
Tantanan mo na ako!
Paki-usap, lubayan mo ako!

Pagkat alam mo ba?
Nang dahil sa’yo nawawalan na ako ng ganang mabuhay,
Nawawalan na ako ng interes sa mga bagay-bagay,
At nawawalan na ako ng pag-asang maging  masaya.

Araw-araw pinuwersa kong iapak ang aking paa,
Sa lugar na ayaw ko na sanang tumuntong pa.
Sa lugar kung saan puno ang puso ko ng pangamba,
Sa lugar na naroon ka.

Ang lugar na tinatawag na paaralan,
Kung saan doon dapat marami akong natutunan.
Ngunit dahil sa isang bully na tulad mo,
Lumalabo  na ang mga pangarap ko.

DONATE

If you are able, please consider supporting LitArt Hub Publishing, a small, independent startup. All proceeds go to paying the writers and artists and running the website.

SHARE THIS POST

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin
Share on pinterest
Share on tumblr
Share on stumbleupon
Share on email

DONATE

If you are able, please consider supporting LitArt Hub Publishing, a small, independent startup. All proceeds go to paying the writers and artists and running the website.

Share your thoughts

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!